Share Share on Facebook Tweet Send on Viber

Naiipit na ako. Daing mo sa akin ng pasigaw
Gusto mong kumawala pero hindi ko kayang bumitaw
Nangingilid ang luha at hindi ako mapakali
Kahit takpan ko man ng mga ngiti ay hindi ko makukubli

Isa pang pagkakataon. Sa paiyak kong tono
Balikan mo yung panahong sinagot mo ko ng “Oo”
Lumuhod sa sakit. Nilunok ang pait
Mahal kita. Sobra. Wala kang kapalit

Pero hindi ka na makahinga. Wala nang hanging maibuga
Nilamon na ng kawalan ang kislap ng iyong mata
Nagmamakaawa ka. Hinihiling na ako ang magsambit
Ang daya mo. Pero mahal kita. Ginawa ko kahit masakit

Ako ang unang bumitaw. Pero ikaw ang unang tumalikod
Ako ang unang umayaw. Pero ikaw ang unang kumalimot
Ako ang unang nag-sambit. Pero ikaw ang unang lumisan
Ako ang ayaw bumitaw. Pero humulagpos ka at tuluyang nang-iwan

Sa akin ang salita. Sayo ang gawa
Sa akin ang kilos. Sayo ang utos
Mahal kita. Pero ayaw mo na. Kaya bumitaw na
Sa paghingi mo ng kalayaan, ikinulong mo ko sa nakaraan
Malaya ka na
Malayo ka na… Noon pa pala…

—–

Be seen. Be heard. Be read! Submit your written work, videos, photos, and artwork to MB Life via MB 360 for a chance to get featured on our website.

To know more about MB 360, visit this link.

Share Share on Facebook Tweet Send on Viber